Monday, May 18, 2026

Declogging operations sa mga pangunahing kalsada, muling isinagawa ng DPWH

Matapos ang naranasan pag-ulan nitong weekend, muling isinagawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) NCR ang declogging operations sa kahabaan ng Taft Avenue, Manila.

Ito’y para masiguro na walang magbabara sa mga daluyan ng tubig na nagiging sanhi ng pagbaha.

Matatandaan na una ng ipinagmalaki mg DPWH na naging epektibo ang ilan nilang proyekto kontra baha makaraam ang ulan nitong weekend.

Partikular sa kahabaan ng Taft Avenue at sa bahagi ng G. Araneta Avenue sa Quezon City na una ng nagsagawa ng drainage improvements sa naturang lugar.

Kaugnay nito, muling tinitiyak ng DPWH na sisigiraduhin nilang matatapos ang mga nakalinya nilamg proyekto kontra baha para sa kapakanan ng publiko.

Facebook Comments