Milf base commander kinondena ang trabaho ng ISIS inspired group

Nagbigay ng paliwanag ang Moro Islamic Liberation Front(MILF) kung bakit sila nagdeklara ng giyera laban sa grupo ni ISIS inspired leader Esmael Abdulmalik alyas Abu Turaife . Batay sa pahayag ni BIAF 118th base commander Ustadz Abdulwahid Tondok sa kanilang ipinalabas na video sa social media , ang aksyon at kampanya ng grupo ni Abu Turaife ay salungat sa tunay na itinuturo ng Islam . Wala umanong nagagawang kabutihan ang grupong ito kundi ang manggulo at sirain ang Islam.
Dating kasapi ng Milf si Abu Turaife na tumiwalag at sumapi sa Bangsamoro Islamic Freedom Movement na nooy pinamumunuan ng namayapang si Ustadz Omrah Amilil Kato at ngayon ay bumuo ng grupong tinawag na Jamatul Mujahireen Al wan Sar.
Nagpasya ang pamunuan ng Milf na labanan ang grupo ni Abu Turaife ng itoy magdeklara ito ng pagsuporta kay ISIS leader Abubakar Baghdadi. Maganda umano ang kanilang samahan at wala silang alitan dahil dati silang magkakasama sa organisasyon noon . Subalit nitong huli ay ikinagulat na lamang Milf ng magdeklara ng pagsuporta si Abu Turaife sa ISIS group na kinokondena ngayon ng matataas na muslim religious leaders sa buong mundo.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments