Iniutos na ni Department of Public Works and Highways o DPWH Secretary Vince Dizon ang agarang pagpapatuloy ng konstruksyon sa Arzadon Road Improvement Project sa Brgy. Mayombo, Dagupan City matapos makatanggap ng mga ulat sa social media kaugnay ng abalang dulot ng pagkaantala ng proyekto sa publiko.
Ayon sa DPWH Region 1, muling sisimulan ang natitirang construction works ngayong araw, June 8, 2026 upang mapabilis ang rehabilitasyon ng naturang kalsada.
Target naman ng ahensya na matapos at mabuksan sa publiko ang proyekto pagsapit ng July 2026.
Nagpasalamat din ang DPWH sa mga mamamayang nagbigay ng impormasyon at patuloy umanong magbibigay ng updates kaugnay sa progreso ng proyekto.
Samantala, inaasahan namang makatutulong ang pagpapatuloy ng road improvement project upang mabawasan ang hirap ng mga motorista at residente na araw-araw dumaraan sa naturang lugar. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








