
Umabot na sa 8 katao ang napaulat na nasawi matapos ang 7.8 magnitude na lindol na tumama sa ilang bahagi ng Mindanao, ayon sa Local Disaster Risk Reduction and Management Council.
Ayon sa Office of Civil Defense (OCD), 3 ang naitala sa Davao Occidental, 3 sa General Santos, at 2 sa South Cotabato.
Sa kabila ng mga ulat, nilinaw ng OCD na under validation pa rin ang mga nasabing datos.
Patuloy naman ang isinasagawang assessment sa mga apektadong lugar.
Facebook Comments










