
Sa gitna ng dumadalas na pag-ulan ay nananawagan si Parañaque 2nd District Representative Brian Yamsuan sa gobyerno at sa mamamayan na magtulungan para mahadlangan ang pagbaha.
Ayon kay Yamsuan, hindi lang gobyerno ang kailangang kumilos kundi dapat ay magkaroon din ng disiplina ang mamamayan lalo na sa tamang pagtatapon ng basura na syang bumabara sa mga imburnal at daanan ng tubig na nagdudulot ng pagbaha.
Diin ni Yamsuan, kailangan ng maraming approach o paraan upang masolusyunan ang pagbaha tulad ng dsiplina sa tao at tamang proyekto o hakbang ng pamahalaan.
Inihalimbawa din ni Yamsuan sa Parañaque kung saan magkatuwang ng sinimulan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at lokal na pamahalaan ang dredging operations sa mga baradong waterways bilang bahagi ng flood mitigation projects bago pa sumapit ang kasagsagan ng rainy season.
Target din ni Yamsuan na isama sa panukalang 2027 national budget ang alokasyon para sa upgrading ng mga lumang dike sa lungsod at ang pagtatayo ng detention basins sa ilalim ng mga basketball courts at open spaces na katulad sa mga proyektong ipinapatupad sa Maynila at Quezon City.










