Thursday, September 17, 2026

BOC, pananagutin ang mga tiwaling tauhang sangkot sa iligal na aktibidad

Tiniyak ng Bureau of Customs (BOC) na sineseryoso nila mga alegasyon ng pagkakasangkot ng ilang tauhan sa mga iligal na aktibidad.

Kasunod ito ng pahayag ni Senator JV Ejercito sa umano’y illicit activities sa loob mismo ng ahensiya partikular ang insidente ng komprontasyon sa pagitan ng mga tauhan ng BOC at Highway Patrol Group (HPG).

Ayon sa Customs, matapos na pormal na maghain ng reklamo ang HPG sa mga tauhan nila ay agad ipinag-utos ang internal investigation para alamin ang katotohanan sa mga alegasyon.

Sinabi ni Customs Commissioner Ariel Nepomuceno na sinumang gumagamit ng ahensiya at lumalabag sa batas ay pananagutin

Samantala, isusumite naman ng BOC kay Estrada ang resulta ng findings kasabay ng pagtiyak sa publiko na wala silang sasantuhin sa pagtugis sa mga sangkot sa iligal na aktibidad.

Noong Agosto nang magkaroon ng komprontasyon sa pagitan ng BOC at PNP-HPG nang sinisira ang mga nakumpiskang smuggled na sigarilyo sa Bulacan.

Facebook Comments