KALIDAD NG BAGONG FOOTBRIDGE SA SAN NICOLAS, SINURI NG MGA OPISYAL

Sinuri ang bagong tayong footbridge na nag-uugnay sa Sitio Casapangan at Cabuloan sa Barangay San Rafael Centro, San Nicolas, kamakailan.

‎May habang 45 metro at lapad na 1.2 metro ang nasabing tulay kung saan itinayo sa ilalim ng Development Fund 2025.

‎Inaasahang ang nasabing tulay ay makapagbibigay ng mas ligtas at mabilis na daanan para sa mga residente lalo na sa mga magsasakang tumatawid pa ng ilog araw-araw.

‎Kasama ng alkalde sa inspeksyon ang Punong Barangay at mga miyembro ng barangay council, Civilian Volunteer Organizations (CVOs), LUPON, at Barangay Health Workers (BHWs).

‎Samantala, napag-usapan din ang posibilidad na pagandahin ang paligid ng tulay Sabangan River Footbridge na ngayon ay dinarayo na ng mga turista. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments