Maagang nagtungo sa dalampasigan ang mga Pangasinense dito sa Lingayen, Pangasinan para maligo at para iselebra ang Pistay Dayat 2026.
Alas-6 palang ng umaga ay dagsa na ang mga taong pumasyal sa Capitol Beach Front sa Lingayen, Pangasinan noong Mayo 1, 2026.
Sa panayam ng IFM News Dagupan, taon-taon na umano itong gawain ng mga Pangasinense kagaya ni Aling Josie para gunitain ang Pistay Dayat sa lalawigan.
Samantala, buong araw na bantay-sarado ang coast guards at medical team sa beach para sa kaligtasan ng mga beachgoers.
Kaugnay nito, matatandaang ilang mahahalagang aktibidad ng pista ang pansamantalang kinansela ngayong taon, ayon kay Ramon V. Guico III, dahil sa patuloy na krisis sa enerhiya alinsunod sa direktiba ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Ikinadismaya ito ng ilan dahil sa onti ng aktibidad kumpara sa nakasanayan.
Samantalang ang iba naman ay sumang-ayon sa desisyon ng pamahalaan upang makatipid sa gitna ng pagsirit ng gastusin.
Sa kabila nito, ang mahalaga parin para sa kanila ay ang patuloy na pagselebra ng yamang dagat na mayroon ang lalawigan ng Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










