DIPALO ECO PARK, OPISYAL NANG NAGBALIK-OPERASYON SA PAMAMAGITAN NG MISA

Muling binuksan ang Dipalo Eco Park sa San Quintin, Pangasinan noong Sabado, Abril 25, sa pamamagitan ng isang misa at blessing ceremony na nagsilbing pormal na pagbabalik-operasyon ng pasyalan matapos ang pansamantalang pagsasara nito.

Ayon sa ulat, sinimulan ang seremonya sa ibat ibang bahagi ng eco park kung saan idinaan sa panalangin ang kaligtasan ng mga bisita at maayos na pamamahala sa loob ng eco park.

Dumalo sa aktibidad ang mga empleyado ng lokal na pamahalaan at mga opisyal ng barangay.

Isinagawa ang reopening kasunod ng insidenteng naganap noong Abril 12 na nagresulta sa pagkalunod ng isang menor de edad.

Matapos nito, nagsagawa ang LGU ng pagsusuri at nagpatupad ng mas mahigpit na safety measures kabilang ang paglalagay ng watch tower, paging system, karagdagang signages, internet connectivity at CCTV cameras bilang bahagi ng pinaigting na seguridad

Facebook Comments