
“Tanggalin ang pansamantalang ayuda mula sa gobyerno at ibasura ang oil deregulation law.”
Yan ang pangunahing panawagan ng mga grupo ng manggagawa bukas, kasabay ng paggunita sa Labor Day dahil una sa lahat, hindi umano sasapat ang P1,500 na ayuda pambili ng bigas at iba pang pangangailangan ng pamilya.
Mariing giit ni Congressman Elle San Fernando, imbes na ayuda, mas maiging itaas ang sweldo ng mangagaga dahil hindi umano totoo na malulugi ang mga kompanya pag tinaasan ang sweldo ng mga manggagawa.
Dagdag pa ni San Fernando, alam ng gobyerno ang isyu sa sweldo ng mga mangagagawa pero kulang lang sa aksyon.
Samantala, sisimulan ng grupong Laban Mangagagawa ang kilos-protesta bukas, simula sa Welcome Rotonda, Quezon City papunta sa Mendiola, kasama ang iba pang mangagawa sa iba’t ibang sektor gaya ng transportasyon, kalusugan, education para ipanawagan ang taas-pasahod, pagbabasura ng oil deregulation law, agapan ang pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin at pagsuspindi sa excise tax at vat sa mga produktong petrolyo, at pagbabasura ng national minimum wage.










