Moderna, humiling na ng EUA sa US FDA sa Omicron-targeting COVID vaccine para sa mga kabataan

Hiniling na ng Moderna Inc. sa US Food and Drugs ang paggamit ng Omicron-targeting COVID vaccine na para sa mga kabataan.

Inihain ng kompanya ang Emergency Use Authorization para i-update ang bakuna sa age groups na 12 hanggang 17 years old at mga bata na edad anim hanggang 11.

Habang inaasahang makukumpleto na rin ngayong taon ang application naman ng bakuna sa mga sanggol na anim na buwan hanggang anim na taong gulang.


Ang mRNA-1273.222 ng Moderna ay booster shot, na naglalaman ng BA.4/BA.5 variants kasama ang orihinal na Coronavirus strain.

Facebook Comments