Sunday, September 27, 2026

Taumbayan, walang pakinabang sa paulit-ulit BSKE postponement

Iginiit ni House Senior Deputy Minority Leader at Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila de Lima na hindi ang taumbayan ang makikinabang sa paulit-ulit at niratsadang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Diin ni De Lima, hindi reporma ang ibubunga ng paulit-ulit na BSKE postponement, kundi paglala ng mga perwisyong hatid ng sistemang padrino.

Dismayado rin si De Lima na na-etsapwera at ipagkakait na naman ang karapatan nating bumoto, at ang pagkakataong makapaglingkod ang marami pang karapat-dapat na lider.

Mensahe ito ni De Lima makaraang lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.’ ang batas para sa postponement ng Barangay at SK Elections nakatakda sanang gawin sa darating na Nobyembre ngayong taon.

Ayon kay De Lima, dahil dito ay bilyon-bilyong pondo na nagastos na sa paghahanda para sa BSKE ang masasayang.

Facebook Comments