DAHIL SA SELOS, LALAKI NASAKSAK SA KILI-KILI NG KA-LIVE-IN NITO SA BUGALLON, PANGASINAN

20
Naospital ang isang lalaki matapos masaksak ng mismo nitong kinakasama sa Brgy. Umanday, Bugallon, Pangasinan.
Nakilala ang biktima na si Wilson Repato habang ang suspek naman ay si Joanne De Leon parehong 36-anyos.
Bago ito, ay parehong nasa impluwensiya ng alak ang dalawa nang magkaroon sila ng hindi pagkakaintindihan dahil sa selos.

Pagtalikod ng lalaki ay biglang kumuha ng kutsilyo ang kanyang kinakasama at sinaksak ang kanang kili-kili ng biktima.
Agad na dinala sa pagamutan si Repato habang naaresto naman ang suspek at narekober ang ginamit nitong kitchen knife. | ifmnews
Facebook Comments