MOTHER’S DAY | Libreng sakay para sa mga nanay – Alok ng P2P buses

Manila, Philippines – May alok na libreng sakay ang Department of Transportation (DOTR) at mga kumpanyang nag-o-operate ng point-to-point buses para sa mga ilaw ng tahanan.

Kaugnay ito ng selebrasyon ng mother’s day ngayong Mayo.

Katunayan, kahapon pa nagsimula ang free ride at tatagal ito hanggang bukas.


Kabilang sa nagbibigay ng libreng sakay ay ang mga P2P bus ng RRCG na biyaheng Alabang Town Center – Greenbelt 1 at vice versa at ang DNS na biyaheng Up Town Center – Glorietta 3 at vice versa.

Kung galing Alabang, ang biyahe ay sa pagitan ng alas 7:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon habang alas 8:00 ng umaga hanggang alas 4:00 ng hapon kung manggagaling sa Greenbelt.

Sa pagitan naman ng alas 5:30 ng umaga at alas 3:00 ng hapon ang biyahe kapag galing Up Town Center at 5:30am hanggang alas 5:00 ng hapon kung galing Glorietta.

Facebook Comments