Sunday, May 31, 2026

Mga interbensyon sa ilalim ng RCEF, palalakasin upang maibsan ang matinding epekto ng El Niño sa rice industry

Mas palalakasin ng Department of Agriculture (DA) ang mga interbesyon sa ilalim ng National Rice Program (NRP) at Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) upang mabawasan ang epekto ng El Niño sa produksyon ng palay at kita ng mga magsasaka.

Kabilang dito ang pamamahagi ng dekalidad at climate-resilient na mga binhi, suporta sa pataba, farm mechanization, suporta sa irigasyon, water-saving technologies, credit assistance.

Paiigtingin din ang mga extension at farmer training services upang mapataas ang produktibidad, mapababa ang gastos sa produksyon at post harvest.

Palalakasin din ang a katatagan at kakayahang makipagkumpitensya ng lokal na industriya ng bigas.

Facebook Comments