Thursday, May 14, 2026

DA, kasado na ang pagpapatupad ng price cap sa imported rice matapos itong aprubahan ni PBBM

Agad na ipatutupad ng Department of Agriculture (DA)ang executive order ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nagtatakda ng price ceiling sa imported rice.

Ito’y bilang hakbang upang maibsan ang epekto ng tumataas na presyo ng pagkain dulot ng inflationary pressures ng sigalot sa Middle East.

Sa ilalim ng Executive Order No. 118, itinakda ang P50/kilo cap para sa 5% broken imported rice hanggang 30 na araw “upang tugunan ang hindi makatarungang pagtaas ng presyo.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr, may kapangyarihan ang DA sa ilalim ng Price Act at Anti-Agricultural Economic Sabotage law upang habulin ang mga hoarder, profiteer, cartel, at iba pang nagmamanipula sa merkado.

Sinabi ni Tiu Laurel na rerepasuhin ng National Price Coordinating Council ang price ceiling sa loob ng dalawang linggo matapos itong ipatupad.

Magrerekomenda naman ito ng adjustments, pagpapalawig, o tuluyang pag-alis nito depende sa sitwasyon ng merkado.

Facebook Comments