Saturday, May 9, 2026

DOH at public health experts sa Singapore, nagtutulungan para sa mga programang pangkakusugan para sa mga Pilipino

Nagkasundo ang Department of Health (DOH) at ang National University of Singapore Saw Swee Hock School of Public Health para sa pag-develop ng mga polisiya hinggil sa public health research and evidence.

Ito ay bilang bahagi ng pagpapalakas sa Universal Health Care Act.

Layon ng pagtutulungan ng DOH at ng mga eksperto mula sa Singapore na makabuo ng health programs na akma sa pangangailangan ng mga Pilipino.

Ayon sa DOH, ang naturang partnership ay magpapalakas din ng kapasidad ng public health workers at research networks.

Bahagi rin anila ito ng pagtugon sa infectious diseases at paghahanda sa mga kalamidad.

Facebook Comments