Idinawit sa panlilinlang ang pangalan ni Pangasinan Governor Ramon V. Guico III matapos matuklasan na ginagamit ito ng isang pekeng Land Transportation Office (LTO) upang magmukhang lehitimo ang kanilang ilegal na operasyon sa Malasiqui, Pangasinan.
Base sa imbestigasyon, natuklasan na nagpapanggap umano itong lehitimong LTO District Office at isinangkot ang pangalan ng gobernador upang makakuha ng tiwala ng mga kliyente.
Mariin namang itinanggi ng gobernador ang ugnayan sa nasabing aktibidad at wala umanong katotohanan ang pag-uugnay sa kanyang pangalan.
Natukoy rin ang ilegal na paniningil at pamemeke ng dokumento na nagdulot ng invalid records at financial damages sa mga biktima.
Ayon sa ulat, nakatakda nang iharap sa arraignment ang mga suspek habang inihahanda ng LTO, Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang pagsasampa ng kaukulang kaso. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙬𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








