Wednesday, May 6, 2026

𝗦𝗔𝗙 𝗧𝗥𝗢𝗢𝗣𝗘𝗥 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗝𝗢𝗡𝗘𝗦 𝗜𝗦𝗔𝗕𝗘𝗟𝗔, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗡𝗔𝗠𝗕𝗔𝗡𝗚

CAUAYAN CITY – Nagluluksa ngayon ang hanay ng 41st Special Action Company, 4th Special Action Battalion ng Philippine National Police – Special Action Force (PNP-SAF) matapos masawi ang isa nilang kasamahan sa isang madugong operasyon sa Buadiposo Buntong, Lanao del Sur kahapon ika-4 ng Mayo.

Kinilala ang nasawing pulis na si Police Corporal Kelvin DC Francisco, na tubong Jones, Isabela.

Batay sa paunang ulat, tinambangan ng sniper ang mga operatiba habang patungo sa isang operasyon upang isilbi ang warrant of arrest laban sa suspek na si Sukair Diongkat, na may kasong murder at attempted murder.

Nasawi sa naturang pananambang si Police Corporal Francisco, habang sugatan naman ang tatlo pang kasamahan nito sa SAF, kabilang ang isang miyembro ng Special Operations Group.

Kasalukuyang nagsasagawa ng clearing operations ang mga awtoridad sa lugar habang tinutugis na ang suspek na mabilis na tumakas matapos ang pananambang

Samantala, inilarawan bilang isang bayani si PCpl. Francisco, na buong tapang na nagsilbi sa bayan hanggang sa kanyang huling hininga.

Facebook Comments