Wednesday, May 6, 2026

Pagpapababa ng presyo ng bigas, pinatututukan ni PBBM sa UPLIFT Committee

Pinatututukan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang agarang pagpapababa ng presyo ng bigas, kasunod ng pahayag na sapat ang suplay sa bansa at walang dahilan para ito’y tumaas.

Sa pulong ng Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport (UPLIFT) Committee, inatasan ng pangulo ang Department of Agriculture (DA) na gawin ang lahat ng legal na hakbang upang mapababa ang presyo ng pangunahing pagkain ng mga Pilipino.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, ipinag-utos din ng pangulo ang mahigpit na pagbabantay sa presyo ng mga bilihin upang maiwasan ang pananamantala sa merkado.

Binalaan ang mga posibleng nagsasabwatan sa presyo ng bigas na papanagutin sa ilalim ng batas.

Hindi rin isinasantabi ng pamahalaan ang pagpapatupad ng price cap kung kinakailangan, upang maprotektahan ang mamimili at mapanatiling abot-kaya ang bigas sa gitna ng umiiral na suplay sa bansa.

Facebook Comments