Motorsiklo ng Service Crew, Tinangay sa Paradahan!

136

Cauayan City, Isabela- Isang motorsiklo ang pinaniniwalaang ninakaw matapos mawala sa pinagparadahan ng service crew sa Santiago City Coliseum Public Market, Barera St., Centro East sa nasabing lungsod.

Ipinarada ni Howard Rodriguez, 25-anyos, may-asawa, service crew at residente ng P5, Bugallon Proper, Ramon, Isabela ang kanyang motorsiklo na may plakang XL 6547 bago pumasok sa kanyang trabaho sa isang kilalang fast food chain sa Lungsod.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan kay P/Maj. Reynaldo Maggay, Station #1 Commander ng SCPO, halos wala pang isang oras nang balikan ni Rodriguez ang kanyang ipinaradang motorsiklo sa naturang parkeng area subalit hindi na niya ito nakita.

Agad namang ipinaalam ng biktima sa himpilan ng pulisya ang pagkawala ng kanyang motor na agad namang tinugunan ng mga otoridad.

Facebook Comments

From Advertisers