
Ilang paaralan sa Navotas ang kinabitan ng Education Department ng CCTV cameras.
Ayon sa DepEd, layon nito na mapanatiling ligtas ang mga mag-aaral laban sa pambu-bully, paninira ng ari-arian, at pagpasok ng mga walang awtoridad sa loob ng kampus.
Naglagay din ang DepEd ng Reading Nooks para matiyak na mahuhubog ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagbasa.
Partikular na mabebenipisyuhan nito ang mga mag-aaral mula Kindergarten hanggang Grade 3 para matiyak na matututo silang magbasa gamit ang mga librong angkop sa kanilang edad.
Una nang nagdeploy ang Labor Department ng 240,000 TUPAD workers para sa Balik Eskwela sa buong bansa.
Facebook Comments










