Sunday, July 26, 2026

DOE, tiniyak na may sapat na supply ng langis sa Mindanao kasunod ng malakas na lindol

Tiniyak ng Department of Energy (DOE) na nananatiling matatag at sapat ang supply ng petroleum products sa Southern Mindanao.

Ito ay sa kabila ng pagtama ng malakas na lindol kahapon sa rehiyon.

Ayon sa DOE, nananatiling normal ang operasyon sa oil depots, at storage facilities sa Mindanao dahil hindi naman ito napinsala ng lindol.

Inihayag ng DOE na maging ang liquefied petroleum gas (LPG) refilling plants sa Regions XI at XII ay nananatiling normal ang operasyon.

Kinumpirma rin ng DOE na dalawa sa tatlong import terminals sa General Santos City ang operational, habang ang isa ay nagtamo ng minor damage at patuloy itong nire-repair.

Inaasahan na babalik ito sa normal na operasyon sa Huwebes, June 11.

Facebook Comments