
Tiniyak ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III ang kahandaan ng Kamara na ilabas ang mga kaukulang dokumento kaugnay sa pambansang budget.
Sang-ayon si Dy na dapat malaman ng taumbayan kung saan napupunta ang kanilang pera, sino ang nagpanukala ng mga proyekto ng gobyerno, bakit kailangan ang mga ito, at sino ang makikinabang.
Diin ni Dy, walang dapat itago kung walang ginagawang mali at walang dapat katakutan kung ang layunin ay maglingkod nang tapat sa mamamayan.
Suportado rin ni Dy ang mas bukas na pagtalakay sa badyet, gayundin ang pinag-igting na pakikipagtulungan sa mga civil society groups upang mas madaling masuri ng publiko ang mga proyekto ng gobyerno.
Kasabay nito ay nilinaw din ni Dy na hindi lahat ng pagbabagong ginagawa ng Kongreso sa badyet ay mali.
Paliwanag ni Dy, tungkulin ng mga kongresista na ipaglaban ang pangangailangan ng kanilang mga distrito basta ang mahalaga ay maayos ang proyekto, kumpleto ang dokumento at may tunay na pakinabang sa tao.










