Tuesday, November 3, 2026

Pet crematorium na nagtapon ng mga patay na alagang hayop, pinatitiyak ni SP Win Gatchalian na mapaparusahan

Hiniling ni Senate President Sherwin Gatchalian na tiyaking mapapanagot sa batas ang may-ari ng pet crematorium na nagtapon ng mga patay na alagang hayop sa bakanteng lote sa Barangay Minuyan Proper, San Jose del Monte, Bulacan.

Iginiit ni Gatchalian na ito ay malinaw na paglabag sa environmental laws at sanitation matapos na itapon na lamang basta sa bakanteng lote ang mga namatay na alagang hayop na ipake-cremate sana.

Nakakabahala aniya na nagbayad ang mga petowners para sa maayos na huling pagpupugay sa kanilang mga alaga.

Tinawag ni Gatchalian na isang uri ng panloloko ang insidente at igiit na dapat panagutin ang mga responsable.

Hinimok din niya ang mga local government unit at mga kinauukulang ahensya, kabilang ang Bureau of Animal Industry, na magsagawa ng inspeksyon at audit sa lahat ng operating pet service providers, kabilang ang mga pet crematorium.

Facebook Comments