Makatatanggap ng libreng veterinary services ang mga alagang baka, kalabaw, kambing at tupa sa Mapandan, Pangasinan sa isasagawang livestock health mission ng Provincial Veterinary Office, ngayong araw.
Gaganapin ito sa Brgy. Torres kung saan inaasahang makikinabang ang mga livestock raisers mula sa iba’t ibang barangay sa bayan.
Kabilang sa mga serbisyong ibibigay nang libre ang pagbibigay ng bitamina, deworming o pagpapapurga, at pagbabakuna laban sa Hemorrhagic Septicemia.
Layunin ng Provincial Veterinary Office na maiwasan ang pagkalat ng sakit sa mga alagang hayop para mapalakas pa ang produksyon at kita ng mga livestock raisers sa Mapandan.
Hinihikayat naman ng lokal na pamahalaan ang mga may-ari ng baka, kalabaw, kambing at tupa na dalhin ang kanilang mga alagang hayop sa itinakdang lugar. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments







