PINAKAMURANG PRESYO NG BIGAS SA DAGUPAN CITY, SUMADSAD SA P35

Bumaba pa ang presyuhan sa kada kilo ng bigas sa Dagupan City.

Sa ngayon, nasa P35 na ang pinakamurang presyo nito, habang mayroon ding P36 hanggang P39 sa kada kilo.

Ayon sa ilang rice retailers na nakapanayam ng IFM News Dagupan, malakas daw ang bentahan ng 35 na bigas.

Umaabot sa hanggang 50 kilos umano ang naibebenta sa loob lamang ng isang araw.

Dagdag nila, posible pa umanong bumaba ang presyuhan ng bigas sa mga susunod na araw.

Samantala, bagamat mura ang presyo ng P35/kg, mas maganda ang kalidad nito ngayon kung ikukumpara sa mga bigas dati. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments