
Epektibo na mula ngayong araw ang ikalawang bugso ng umento sa minimum wage para sa mga manggagawa sa Central Luzon.
Ayon sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB), nasa P30 hanggang P40 ang dagdag sa sahod ng mga manggagawa sa pribadong sektor.
Sa kabuuan, nasa hanggang P80 ang dagdag na sahod ng minimum wage earners sa rehiyon matapos ipatupad ang unang tranche noong October 30, 2025 na nasa P20-P40.
Dahil dito, maglalaro na sa P570 hanggang P600 ang arawang sahod ng mga manggagawang sa non-agriculture sector habang P540 hanggang P579 sa agriculture sector at P560 hanggang P590 sa retail at service establishments.
Saklaw ng umento sa sahod ang mga lalawigan ng Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, at Zambales.
Samantala, P30 naman ang dagdag sa minimum wage earners sa lalawigan ng Aurora kung saan naglalaro na sa P475 hanggang P560 ang arawang sahod ng mga mangaggawa.










