Friday, October 23, 2026

DBM, hindi na naglabas ng pondo para sa unprogrammed appropriations sa 2024 at 2025

Nilinaw ng Department of Budget and Management (DBM) na hindi na sila naglabas ng pondo para sa mga unprogrammed appropriations sa taong 2024 at 2025 national budget na idineklara ng Korte Suprema na unconstitutional.

Sa budget hearing ng Senado, sinabi ni Budget Secretary Kim Robert de Leon na buo o hindi pa nagagalaw ang saklaw ng Supreme Court ruling na P17.99 billion na special road fund ng DPWH para sa taong 2025.

Hindi na rin gagalawin ang saklaw ng SC ruling na special provisions ng 2026 national budget ukol sa unprogrammed appropriations.

Wala namang ilalabas na pondo mula sa 2024 national budget matapos na mag-expire na ang dalawang taon nitong validity noong December 31, 2025.

Natanong din ng mga senador si De Leon kung paano paiiralin ang Supreme Court ruling para sa tinatalakay nila ngayon na pambansang budget para sa 2027.

Hihingi naman ng paglilinaw ang DBM sa Supreme Court sa pamamagitan ng Office of the Solicitor General dahil maraming operational issues at marami pang unreleased na pondo.

Facebook Comments