NAIA terminals, nakaalerto kasunod ng Marawi bombing

Pinaigting pa ngayon ang seguridad sa NAIA terminals kasunod ng nangyaring pagsabog sa Marawi City.

Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, nagpapatupad ngayon ng police patrols at intelligence gatherings ang Philippine National Police-Aviation Security Group (PNP-AVSEGROUP).

Nakakalat din aniya sa NAIA terminals ang bomb sniffing dogs at Explosive Ordinance Disposal Teams (EOD) ng AVSEGROUP.


Nagpaalala naman ang Office for Transportation Security (OTS) sa mga pasahero na iwasan ang pagdadala ng mga bagay na ipinagbabawal sa mga eroplano tulad ng mga patalim, metallic items at mga likido.

Facebook Comments