Naitatalang nasawi ng NDRRMC dahil sa Bagyong Agaton, umabot na sa 43

70

May 43 indibidwal na nasawi dahil sa epekto ng Bagyong Agaton ang naitala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC.

Pero batay sa ulat ng NDRRMC, isa pa lang sa 43 na indibidwal na nai-report na nasawi ang kumpirmadong namatay dahil sa Bagyong Agaton.

Pito naman ang nai-report na nawawala habang walo ang nai-report na sugatan.


Patuloy ngayon ang monitoring ng NDRRMC sa mga lugar na sinalanta para matukoy ang kabuuang pinsala dulot ng Bagyong Agaton.

Facebook Comments