Search and Recovery operations sa Baybay City sa Leyte, tuloy-tuloy

67

Sa kabila na nakararanas nang manaka-nakang mga pag-ulan sa nakalipas na magdamag, unti-unti nang bumabalik sa kani-kanilang mga tahanan ang mga nagsilikas na residente dahil sa Bagyong Agaton.

Ayon ito kay Police Regional Office 8 Director PBGen. Bernard Banac matapos hagupitin ng bagyo ang lungsod maging ang malaking bahagi ng Eastern Visayas.

Aniya, ilan sa mga residente sa Baybay City ang naglilinis na ng kanilang mga naiwang tahanan maliban na lamang sa mga lugar na tinabunan ng nangyaring landslide.


Dahil delikado na kagabi ang sitwasyon, sinabi ni Banac na ipinagpaliban muna ang Search, Rescue and Recovery Operations para na rin sa kaligtasan ng mga rescuer at kanila namang ipagpapatuloy ngayong araw.

Facebook Comments