Ayon sa kaanak ng mga biktima, labis ang kanilang panghihinayang sa perang nalimas mula sa ginamit nilang e-wallet account para sa mga naipadalang donasyon.
Mayroon umanong tumawag sa numero at nagpanggap na mula sa Malasakit Center at magpapadala umano ng donasyon. Nang ibigay ang hinihinging OTP number ay dito nila napagtanto na nalimas na pala ang nagkakahalagang 29,000 pesos na laman ng e-wallet account.
Hindi lubos maisip ng pamilya na mayroon umanong gagawa pa ng mga ganitong scamming lalo na at malaki ang pangangailangan nila sa pera dahil ang iba pa sa mga biktima ay nasa loob pa rin ng ospital at dalawa dito ang nasa ICU.
Masakit rin sa ama ng nasawing bata ang sinapit ng anak. Mabuti at maraming pangarap umano ang bata habang lumalaki.
Para sa nais magbigay ng tulong, mas mainam umanong ihatid ang tulong ng personal sa kanila bilang seguridad na rin matapos ang insidente o hindi kaya ay sa bagong e-wallet account na ibinahagi sa numerong 0956-882-9772








