DAGUPAN BANGUS, SENTRO NG TEMA NG MGA OBRA SA ART EXHIBIT SA DAGUPAN CITY

Sentro ng atensyon ang mga nag-gagandahang obra sa ginaganap na exhibit ng Silver Scale Arts Festival bilang bahagi sa pagdiriwang ng Bangus Festival ngayong Abril.

Makikita ang ibat ibang likhang-sining ng mga lokal artist ng Pangasinan na kasalukuyang naka display ngayon sa SM Center Dagupan.

Hango sa bangus at iba pa ang mga obra na pangunahing simbolo ng Dagupan ang inspirasyon. Ang bawat hagod ng brush ay nagpapakita ng kahalagahan ng industriya ng bangus bilang pangunahing pagkain, kabuhayan at kasaysayan ng lungsod.

Sa panayam ng IFM Dagupan sa ilang local artists, hinimok na mas palawakin pa ang mga ganitong aktibidad at hindi lamang exhibit upang maipakita na buhay na buhay ang sining.

Inaanyayahan naman ang publiko na bisitahin ang naturang exhibit at suportahan ito sa pagbisita kasama ang pamilya o mga kaibigan.

Facebook Comments