Tuesday, June 16, 2026

Pahayag ng nagpakilalang asawa ni Ateneo Coach Tab Baldwin, sinusuri na ng mga abogado ni Rene Baterbonia

“Walang laman at walang accountability.”

Ito ang paglalarawan ng abogado ng isa sa pumanaw na basketball player ng Ateneo Blue Eagles kasunod ng inilabas na video statement ng head coach na si Tab Baldwin.

Ayon kay Atty. Israelito Torreon, halos hindi man lamang nakitaan ng simpatya si Baldwin at hindi rin nito sinagot ang totoong nangyari sa dalawang manlalaro.

Hindi rin aniya tanggap ng ina ni Rene Baterbonia ang public apology ni Baldwin at ang nais nito ay malaman ang buong katotohanan sa team building sa Aurora na nauwi sa trahedya.

Samantala, sinabi pa ni Torreon na sinusuri na rin ng kanilang kampo ang lumabas na video statement kahapon ng nagpakilalang asawa ni Baldwin.

Sa pahayag ni Efii Kalogirou, dati na umano niyang binalaan ang Ateneo na hindi ligtas ang mga bata kay Baldwin.

Naniniwala si Torreon na posibleng malaking tulong ito sakaling totoo ang mga sinasabi sa video.

Facebook Comments