National Weightlifter Hidilyn Diaz, nagpahiwatig na magreretiro na pagkatapos ng 2024 Paris Olympics

Nagpahiwatig ng posibleng pagreretiro sa sports na weightlifting ang Olympic champion at national weightlifter na si Hidilyn Diaz-Naranjo pagkatapos ng 2024 Paris Olympics.

Sa isang Facebook post, pinakita ni Diaz ang larawan ng kanyang kamay at sinabing naghahanda na siya para sa paparating na Olympics na gaganapin sa 2024 dahil aniya ito na ang kanyang hashtag “#lastlift”.

 

Puspusan daw niyang paghahandaan at ng kanyang team ang laban sa Olympics dahil ito ang gusto niyang gawin para sa bansa.


Sinabi pa ng atleta na ipinagpapaliban niya rin muna ang kanilang honeymoon para maghanda sa naturang paligsahan.

Ikinasal sa kanyang coach na si Julius Naranjo ang kampeon na weightlifter noong Hulyo 26, eksaktong isang taon matapos siyang manalo ng ginto sa 2020 Tokyo Olympics

Facebook Comments