NBA | Kawhi Leonard, plano daw i-trade ng San Antonio Spurs

Amerika – Umuugong ngayon ang balita na plano daw i-trade ng San Antonio Spurs ang isa sa kanilang mga star player na si Kawhi Leonard.

Sa report ng ESPN, naghahanap na daw ngayon ng magandang offer ang Spurs sa ibang team para i-trade si Leonard sa pagtatapos ng season ng NBA.

Nabatid na kasalukuyan nasa New York si Leonard para sa rehabilitation daw nito sa kaniyang injury sa kanang quadriceps.


Hindi pa naman kinukumpirma ng management ng Spurs ang balita pero una nang sinabi ni San Antonio Head Coach Gregg Popovich na nabigyan na ng kanilang medical staff ng go signal si Leonard na maglaro pero mas ninais daw nitong magpahinga at tuluyang magpagaling.

Facebook Comments