Saturday, June 13, 2026

Supply ng kuryente sa mga ospital na naapektuhan ng malakas na lindol sa Mindanao, 100% nang naibalik

Kinumpirma ng Department of Energy (DOE) na may supply na ng kuryente ang lahat ng mga ospital na naapektuhan ng malakas na lindol sa Mindanao.

Bunga nito, nakakapagbigay na anila ng critical healthcare services ang naturang mga ospital at nakakapag-serbisyo na sa mga apektadong komunidad.

Tiniyak naman ng DOE na patuloy nilang tinututukan ang restoration efforts sa iba pang mga lugar na nawalan ng supply ng kuryente kasunod ng malakas na lindol.

Patuloy din anila ang pagtutulungan ng lineworkers, engineers, electric cooperatives, local government units, emergency responders, at energy sector personnel para mapabilis ang pagbabalik ng supply ng elektrisidad sa mga apektadong lugar.

Facebook Comments