Thursday, June 18, 2026

Mungkahi na gawing presiding officer ng Senate Impeachment Court si Sen. Chiz Escudero, tatalakayin pa ng Senado

Hindi pa nakakapagdesisyon ang Senado kung si Senator Chiz Escudero ang magiging presiding officer ng Senate Impeachment Court na maglilitis kay Vice President Sara Duterte.

Ito’y matapos sabihin kahapon ni Senator Ping Lacson na si Escudero ang napagdesisyunan nilang maging presiding officer sa impeachment bagaman maaari pang mabago ito.

Ayon kay Senate President Win Gatchalian, pag-uusapan pa nila ito sa ipapatawag niyang caucus o pulong ng mga senador bago magsimula ang impeachment trial na nakatakda sa July 6.

Natanong naman si Gatchalian na kung papayag ba ito na maging presiding officer si Escudero sa impeachment trial, sinagot ng SP na hindi niya papangunahan ang magiging resulta ng pag-uusap.

Batay pa rin aniya sa rules ay siya pa rin ang magpe-preside sa impeachment trial bilang siya ang Senate president.

Facebook Comments