NBA legend na si Kobe Bryant, patay sa aksidente

Pumanaw na ang NBA basketball legend na si Kobe Bryant sa edad na 41 matapos mag-crash ang kaniyang sinasakyang helicopter sa California.

Ayon sa mga otoridad, sakay si Bryant ng kanyang private helicopter kasama ang 4 katao nang mag-apoy ang sinasakyan nito.

Sa ngayon ay iniimbestigahan pa ang sanhi ng nasabing helicopter crash.


Lumaro si Bryant sa loob ng 20 taon sa koponan ng Los Angeles Lakers at nakakuha ng 5 kampyonato bago ito magretiro noong 2016.

Facebook Comments