Friday, May 29, 2026

Umano’y pagsabotahe sa linya ng kuryente sa Batangas, iniimbestigahan ng PNP

Nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang Philippine National Police (PNP) sa umano’y pagsabotahe sa linya ng kuryente sa Ilijan-Tayabas, Batangas.

Ito ay kasunod nang matuklasan ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP na naputol ang isang mahalagang conductor ng Ilijan-Tayabas 500-kilovolt transmission line noong May 13.

Kung saan nagpalala pa ito lalo dahil sa manipis na reserba ng suplay ng kuryente sa Luzon at Visayas, na nagresulta sa sunod-sunod na deklarasyon ng red at yellow alerts sa dalawang power grid.

Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., pinakikilos na ang specialized investigation at intelligence units para malaman kung ano ba talaga ang nangyari base sa request ng NGCP.

Aniya, nagbigay na ito ng direktiba na tapusin ang imbestigasyon sa lalong madaling panahon at magsagawa ng operasyon laban sa mga responsable kung meron talagang ginawang pagsabotahe.

Nakikipagugnayan na rin ang pulisya sa mga lokal na opisyal para sa imbestigasyon sa nasabing insidente.

Facebook Comments