Wednesday, June 10, 2026

OTS, muling pinalalahanan ang mga pasahero sa tamang pagdeklara ng armas sa paliparan

Panibagong paalala ang inilabas ng Office for Transportation Security (OTS) sa mga pasaherong pasaherong bumibiyahe na gumagamit sa mga paliparan sa bansa.

Ito’y kaugnay sa tamang pagdeklara ng mga armas at kahalintulad na kagamitan bago pumasok sa airport.

Ayon sa OTS, kinakailangang ideklara sa Philippine National Police Aviation Security Group (PNP AVSEGROUP) ang anumang firearms, firearm parts, at katulad na kagamitan.

Nararapat anila na magpakita ng kaukulang dokumento bilang pagsunod sa mahigpit na aviation security regulations.

Ang paalala ay inilabas kasunod ng pagkakasabat ng mga Security Screening Officer ang walong hindi idineklarang training pistols sa checked in baggage ng dalawang dayuhang pasahero na patungong San Francisco sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 noong Mayo 21, 2026.

Binigyang-diin ni OTS Admininstrator Gilberto DC Cruz ang kahalagahan ng tamang pagdedeklara ng mga armas upang maiwasan ang abala, alarma, at posibleng banta sa seguridad sa mga paliparan.

Sa isinagawang manual inspection, nakumpirma ang pagkakaroon ng mga training pistols at agad itong isinailalim sa proper custody at documentation.

Napag-alaman kalaunan na ang mga pasahero ay mga US military personnel na nabigong ideklara ang naturang kagamitan sa PNP Firearms Depository Booth bago pumasok sa airport.

Matapos makumpleto ang clearance procedures, pinayagan din silang makabiyahe.

Facebook Comments