Monday, May 4, 2026

Unang PGH sa labas ng Metro Manila, itatayo sa Cavite ngayong Mayo — PBBM

Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nalalapit na groundbreaking ng bagong sangay ng Philippine General Hospital (PGH) sa Carmona, Cavite ngayong Mayo.

May 200 kama ang itatayong ospital na inaasahang magbibigay ng dekalidad na serbisyong medikal sa Cavite at mga karatig-lugar.

Ito ang kauna-unahang PGH na itatayo sa labas ng Metro Manila na isang hakbang para ilapit ang serbisyong pangkalusugan sa mas maraming Pilipino.

Binigyang-diin ng pangulo na tugon ito sa patuloy na paglaki ng populasyon sa lalawigan at sa pangangailangang palakasin ang mga pampublikong ospital.

Sa kabuuan, layon ng proyekto na tiyaking mas madaling maabot ang serbisyong medikal at iba pang pangunahing pangangailangan ng mga komunidad.

Facebook Comments