
Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang agarang paglilinis ng mga kalsada sa Albay na natabunan ng abo mula sa Bulkang Mayon.
Ayon sa Pangulo, kailangang mabuksan ang mga pangunahing daanan para makapasok ang tulong at makabiyahe ang mga residente.
Target na mabuksan ang mga kalsada ngayong araw, kung hindi na muling magbuga ang bulkan.
Dagdag pa ng pangulo, isa rin sa tinutukan ng pamahalaan ang epekto ng ashfall sa kalusugan ng publiko, kasabay ng paglikas ng mga residente sa danger zone.
Nakipag-ungayan na rin ang pangulo sa lokal na pamahalaan para sa mga kinakailangan pang tulong mula sa national government.
Facebook Comments










