
Naglabas ng show cause order ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) laban sa hindi bababa sa 21 Transport Network Companies (TNCs).
Ito’y upang imbestigahan ang lumubong bilang ng mga benepisyaryo ng fuel subsidy sa ride hailing sector.
Pinapahararap ni LTFRB Chairman Atty. Vigor Mendoza II ang mga pinuno o kinatawan ng mga TNC sa May 14, 2026, para sa pagdinig.
Sinabi ni Mendoza na layon nitong matukoy ang mga pangyayari na nagdulot ng pagkakaiba sa bilang ng mga benepisyaryo ng TNVS.
Pinagpapaliwanag ng LTFRB ang mga pinuno ng TNCs kung bakit hindi dapat suspindehin o bawiin ang kanilang authority to operate bilang TNC dahil sa mga iba’t ibang paglabag.
Kabilang dito ang pagbiyahe ng mga TNC units na hindi awtorisado ng LTFRB.
Inatasan din ang mga TNCs na isumite ang listahan ng mga driver na naibigay sa DSWD, kasama na plate number ng kanilang minamanehong TNC units.










