
Nagpaliwanag si National Bureau of Investigation (NBI) Director Atty. Melvin Matibag kung bakit sa Pasay City RTC inihain ang kasong paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012 laban kay Jay Sonza.
Ayon kay Matibag, sa Pasay kasi ang lokasyon ng NBI at sa Pasay rin nila ginawa ang case build-up laban kay Sonza.
Kinontra rin ni Matibag ang akusasyon na hearsay lamang ang kasong isinampa laban kay Sonza.
Una nang kinuwestiyon ng abogado ni Sonza na si Atty. Mark Tolentino na maling sa Pasay City RTC ihain ang kaso dahil wala namang bahay sa Pasay ang Pangulong Bongbong Marcos at wala rin itong opisina sa Pasay City.
Ang kaso laban kay Sonza ay may kaugnayan sa sinasabing pag-post nito sa social media ng pekeng medical bulletin ni PBBM.
Facebook Comments










