
Pinagkokomento ng Senate Ethics Committee si Senator Ronald “Bato” dela Rosa tungkol sa planong pag-amyenda ng Senate Ethics Committee sa rules ng Mataas na Kapulungan kaugnay sa matagal na pag-absent ng senador at patuloy na pagtanggap ng sweldo.
Ayon kay Senate Ethics Committee Chairman JV Ejercito, mayroong proposal na amyendahan ang rules ng Senado tungkol sa absenteeism at inaksyunan ito ng komite sa pamamagitan ng paghingi ng komento kay Sen. Bato.
Partikular na pinaaamyendahan ang rules sa “no work, no pay” pero ito ay dedesisyunan pa rin sa plenaryo.
Sa ngayon ay hinihintay nila ang sagot ni Dela Rosa sa naturang proposal.
Samantala, sa pulong kaninang umaga ng Ethics Committee, apat na ethics complaint pa ang na-dismiss dahil hindi nakatugon sa kailangan na “form and substance”.
May option naman na mag-refile ang mga complainant pero tumanggi na si Ejercito na isapubliko ito dahil pagpepyestahan lang ng publiko.










