Monday, May 4, 2026

PCG, nagpadala pa ng karagdagang tauhan sa Albay

Nag-deploy muli ang Coast Guard District Bicol (CGDBCL) ng karagdagang tauhan para tumulong sa mga pamilya na nabiktima ng pagsabog ng Bulkang Mayon.

Nasa 36 na miyembro ng Deployable Response Group o DRG ang ipinadala sa Guinobatan, Albay.

Itinalaga ang DRG Team upang magsagawa ng clearing operations sa mga lugar na apektado ng ashfall mula sa Bulkang Mayon, kabilang ang Brgy. Poblacion Social Hall sa naturang bayan.

Nagdala rin ang grupo ng mga kinakailangang kagamitan upang matiyak ang mabilis at ligtas na pagsasagawa ng operasyon.

Nagpaalala naman ang pamunuan mg Philippine Coast Guard (PCG) sa mga tauhan na mahigpit na sundin ang ipinatutupad na safety protocols habang ginagampanan ang kanilang tungkulin.

Nananatili namana naka-standby at nakaalerto ang iba pang DRG ng PCG kasama ang Coast Guard Station Albay at mga sub-stations nito, para sa agarang deployment kung kinakailangan.

Facebook Comments