Isasailalim sa Alert Level 4 ang buong National Capital Region (NCR) simula September 16, na simula ng pilot implementation ng granular lockdown.
Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, sumang-ayon ang NCR mayors na magpatupad ng iisang alert level sa rehiyon.
Sa ilalim ng Alert Level 4, bawal lumabas ang mga menor de edad, nasa 65 years old pataas, may mga sakit at buntis.
Makakalabas lamang sila para bumili ng essential goods and services o kapag papasok sa trabaho na kabilang sa mga industriyang pinapayagaang mag-operate.
Pwede naman ang individual outdoor exercises para sa lahat ng edad anuman ang comorbidities o vaccination status pero limitado lamang sa lugar kung saan sila nakatira.
Papayagan din ang al-fresco dine-in services sa mga restaurants sa maximum 30% venue/ seating capacity anuman ang vaccination status.
Habang ang indoor dine-in services ay limitado sa 10% venue/ seating capacity na para lamang sa mga fully vaccinated.