
Arestado ang isang lalaki sa isinagawang operasyon ng Philippine National Police (PNP) sa Brgy. Lapnit, San Ildefonso, Bulacan.
Sa bisa ng warrant of arrest naaresto ang nasabing suspek na no. 2 Most Wanted Person sa Regional Level ng nasabing bayan.
Isinilbi ang nasabing warrant ng San Ildefonso Municipal Police Station para sa kasong 4 counts ng statutory rape na walang rekomendang pyansa at 3 counts ng Acts of Lasciviousness na may rekomendang pyansa na P600,000.
Sa ngayon ang nasabing suspek ay nasa kustodiya ng pulisya para kaharapin ang mga kasong isinampa sa kanya.
Facebook Comments










